Mon Jul 20 2015

Keep Right

TL;DR Dun lagi sa tama.

"Always keep right."

Yan yung sabi ni Lolo nung nakita niya akong naglalaro ng isang racing game. Sa kakamadali ko kasi para manalo, kung saan-saan ako dumadaan: sa gitna ng kalsada, nagka-counterflow o kaya sa mga shortcut na dapat ay hindi ko daanan. Akala ko noon para lang sa laro yung sinabi niyang yun pero, the more I think about it, yun siguro yung isa sa pinakamalalim na turo niya sa akin.

"Dun lagi sa tama."

Manalo man o matalo, mauna man o mahuli, mabagal man o mabilis, matapos mo man o hindi, ang mahalaga andun ka sa tama. Oo nga, hindi maiiwasan magkamali pero hindi dapat nating gawin rason yun. Hanggga't kaya, dun tayo sa tama. Wag magpapalusot, wag magdadahilan.

"Always keep right.", sabi ni Lolo. Ilang taon na ang nakaraan simula nung sinabi niya yun. Hindi ko alam bakit bigla kong naisip ngayon. Bakit, pag katapos ng ilang taon, ngayon ko lang naisip na sobrang talino talaga ni Lolo.

"Always keep right.", sabi ni Lolo. Mahirap gawin, sobra. Mas mabilis kasi mag-shortcut, mas madali pag nasa gitna, madalas mabagal pag nasa tama pero dapat dun lagi sa tama.

"Always keep right.", sabi ni Lolo.

Kaso kaya ko ba yun? Ewan pero gagawin ko hanggang kaya ko.

Back